50 Facts that Make You A True and Solid Jane Oineza Fan






1. Kapag nagiging expressions mo na rin yung mga expression niya gaya ng I SUGGEST, PAANO, TALAGA NGA NAMAN, NOPE, etc. Hindi magtatagal, mahahawa na rin ang mga barkada mo sa ‘yo… nang hindi nila napapansin.
2. Kapag ayaw mo ng amplaya pero kumakain ka na ngayon kasi favorite niya ito. Kung dati na rin na favorite mo ito, mas mapaparami ka ng kain tulad niya.
3. Kapag nagdidiet ka pero napapakain ka na rin ng marami dahil nakikita mong sarap na sarap siyang kumain.
4. Kapag nilaglagyan mo na rin ng maraming soy sauce yung kanin mo para mas magkalasa at sumarap dahil ganun din siya.
5. Kapag LSS ka na dun sa mga song na narinig mong kinanta niya, yung tipong feel na feel mo talaga gaya ng The Climb kahit na ayaw mo dun sa original na kumanta.
6. Kapag biglang naging mahilig ka na sa pagbabasa at nagkaroon ng lakas ng loob na basahin ang buong Harry Potter series… yung tipong gusto mo ring bumili nung collection nito na nakalagay sa parang treasure chest kahit na mahal.
7. Kapag natutuwa ka pang malaki na rin ang eye bags mo… kasi patunay lang yun na pinagpupuyatan mo ang mga bagay bagay at di mo basta-bastang tinutulugan.
8. Kapag gusto mo ring magkaroon ng DORK shirt (dahil tingin mo eh dork ka na rin) kahit na sawang-sawa ka ng nakikitang suot niya ito.
9. Kapag ‘di ka na nagsusuklay kasi #GandangBagongGising lang gaya niya, mahangin man o hindi sa labas.
10. Kapag nagsusuot ka ng eye glasses na walang grado… masabi lang na nakikiuso kay Janey kahit na hindi naman mahina ang paningin mo.
11. Kapag kinakausap mo ang iyong sarili at minomotivate dahil mag-isa ka lang at walang pumili sa ‘yo pero carry mo lang dahil sanay ka ng ganun… may kasama pang pakanta-kanta din.
12. Kapag gusto mong magkaroon ng kapatid na tulad ni Charles lalo na kung wala ka pang younger brother.
13. Kapag gusto mo na ang color red kahit na ayaw mo talaga dun dahil sa kulay ito ng dugo… takot ka dun eh. Carry mo na lang ngayon kasi favorite niya yung red eh.
14. Kapag nagsusuot ka ng short shorts at may jacket (preferably maroon) kang pantakip para ‘di kita ang kaluluwa mo.
15. Kapag nagsusuot ka rin ng green shirt para support-support lang sa De La Salle Green Archers… nandun si Jeron eh #alamnathis.
16. Kapag hindi mo pa rin itinatapon yung rose na ibinigay sa ‘yo ng ‘friend’ mo kahit na lanta na talaga ito kasi sobrang matagal na siyang ibinigay sa ‘yo. Oo nga naman… may sentimental value yun eh, ba’t mo itatapon lang? Kahit yung tangkay na lang ang matira… itatago mo pa rin.
17. Kapag nagiging touchy ka na rin sa mga friends mo. Sadyang panlambing mo lang talaga yun. Magtataka ang mga barkada mo sa biglang pag-iiba ng kilos mo. Pero ipupush mo pa rin.
18. Kapag mababaw na rin ang luha mo gaya niya pero at the end of the day strong like a turtle ka pa rin kasi ganun din siya.
19. Kapag pilit mo ng inaalis yung mga bubog mo sa mga taong nanakit sa ‘yo dahil like idol like fans eh. Kung siya nga walang bubog kahit na her against the world ang drama, ikaw pa kaya?! Pero infairness, mahirap gawin yan lalo na kapag war freak at bitter kang tao… Si Jane ngang favorite ang ampalaya pero di naman bitter, ikaw pa kaya na ‘di mahilig sa ampalaya?
20. Kapag tamad ka dati pero na-inspire kang maging masipag dahil ganun din siya. Biruin mo yun, artistang naghuhugas ng di lang mga plato, kutsara at tinidor, pati mga kaldero pa… naglilinis pa yan ha… ikaw pa kaya? Mahihiya ka sa kanya sa katamaran mo.
21. Kapag nagcocollect ka rin ng mga suitors mo… and then tsaka na ang pagselect para ma test kung may consistency, patience at trust, lalo na kapag first boyfriend mo pa lang yun.
22. Kapag nagiging one of the boys ka na rin kasi ganun din siya.Yung tipong wala talagang malisya sa ‘yo ang pagkaclose mo sa kanila pero sa iba o sa kanila eh meron… ganyan din kasi siya.
23. Kapag adventurous ka rin tulad niya at pangarap na makapag-sky diving.
24. Kapag ‘di mo pansin na may sex appeal ka na kahit nung ‘di ka pa 18 years old… mas lumabas na nga lang nung nag 18 ka lalo na kapag nakared-lips stick at sexy ang damit. Yung tipong demure kang tignan at sophisticated.
25. Kapag todo ka talaga sa pag vote kay Jane from the very beginning until the end… yung tipong kapag nakapost-paid ka, wapakels ka na lang sa mataas na bill mo o kaya kapag prepaid naman, naku, matutuwa sa ‘yo ang nagpapaload kasi lumalago ang negosyo niya sa ‘yo.
26. Kapag willing kang magdonate kay Jane for any of the following: van (para ‘di na siya magcommute), laptop (kahit ibigay ko na lang sa kanya yung extra dito sa bahay), camera, Harry Potter collection in a treasure chest worth Php 8,000 & kung ganun ka talaga kagalante, pati house and lot na rin.
27. Kapag kaaway mo na rin lahat ng umaaway, nang-aarot at may ayaw kay Janey… pero dapat maging not resentful lang at ‘di mapagtanim ng galit at bubog tulad ng idol natin. Kasi kung gagawin mo rin ang mga masasamang bagay na yan, sabihin ka pang tulad ni Janey… You don’t like this kasi masisira ang image ni Janey.
28. Kapag feeling FC ka na rin sa lahat ng may gusto kay Jane kahit sino pa yan at saan nanggaling. Yung super excited ka kapag may usapang GTG para makadalo ka at makasama mo sila… yung tipong masaya ka talaga kasi finally, kasama mo ang mga taong nakakaintindi talaga sa ‘yo… sa pagmamahal at paghanga mokay Janey.
29. Kapag like mo na rin at gusto mo ring makilala yung mga celebrity friends ni Jane at may like rin sa kanya at ina-admire ang talents niya.
30. Kapag aware ka sa mga nalink, nalilink at gustong malink kay bebe gurl. Memorize mo lahat ng LTs or reel/real couple names gaya ng JARON, JaXel, JoshAne, FourthAne, JacAne, JaNiel, JaneRome, JanSeph, JCo, etc… kahit na yung ilan diyan eh hanggang ilusyon lang talaga at napaka-imposibleng mangyari… yung ilan eh pwede namang i-push dahil enjoy lang at walang malisya… at meron din yung basag na basag na nga mapa-reel o real man yan pero ipinipilit pa rin kasi ewan ko ba… at syempre yung layag na layag sa real world. Maaring lahat ng yan eh bet mo (multishipper), pwede ring hindi at solid na sa iisa lang… Pero kung talagang fan ka ni Jane, bet mo kahit ilan basta alam mong hindi naman nakakasama kay Janey… yung tipong makabubuti sa career niya o kaya nakaka-inspire sa kanya talaga.
31. Kapag paulit-ulit mong pinapanood yung MMK episodes ni Janey, lalo na yung Manika, kasi lutang na lutang ang galing niya sa pag-arte… kaya nga internationally acclaimed siya eh, di ba? Yung tipong ramdam mo yung sakit na nararamdaman niya sa bawat eksena… yung tumatatak sa ‘yo ang mga linya niya dun. Parang yung favorite ko na: “ANONG KLASE KANG INA? SARILI MONG LAMAN, PINAKAIN MO SA ASO!” Alam mo kung saan galing yang linyang yan.
32.Yung alam mo yung naging projects niya even before Goin Bulilit pa siya until now… di lang sa hosting, acting, singing, etc, pati na rin sa endorsements niya. At kung fan ka talaga, ipapatronize mo yung mga yun kahit na ayaw mo yun brands na yun at gusto mong iba na lang ang ine-endorse ni Janey.
33. Kapag active ka at ini-istalk mo ang SNS kung saan merong account si bebe gurl… kahit na may galit ka sa latest techonology and innovations at aminadong hindi techie.
34. Kapag hindi ka Ilocano pero gusto mong mapadpad sa Pangasinan at hagilapin ang lugar talaga na pinagmulan niya… at magpapakahirap kang matuto ng Iloco para matuwa sa iyo si Jane kapag nakausap mo siya tas nagsalita ka ng Iloco. Nacucute-an ka rin kasi kapag naririnig mong nag-iiloco siya. I.E. NGARUD, NAIMBAG NGA ALDAW, ken dadduma pay…
35. Kapag Ilocano ka naman, proud na proud ka sa kanya… kulang na lang, kapag ‘di ka taga Pangasinan, at sa La Union ka lang, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, Tarlac… gugustuhin mong lumipat na ng tirahan na malapit sa pamilya ni Jane… malay mo, maging close kayo, di ba?
36. Kapag “obsess” ka rin kay Zac Efron. Yung tipong nung kasagsagan ng High School Musical eh nagsulat ng letter para kay Zac at sana matanggap/mabasa niya ito pero hindi natuloy.
37. Kapag maraming insecure sa ‘yong mga babae… Naintindihan mo rin naman at wala ka ng pakialam kasi parang katulad din kay idol na focus na lang sa mga positive things and people.
38. Kapag kilala mo sina France at Jan… yung dalawang close sa kanya at until now eh tulay din sa JaRon.
39. Kapag guilty pleasure mo ang pizza. I mean, masarap naman talaga ang pizza. Hindi na kailangang mapilitan kang kumaen niyan dahil kay Janey.
40. Kapag favorite number mo na ang 22 kahit na malas talaga o may bad memory yung number na yun sa ‘yo. Swerte mo na lang kapag pareho kayo ng birthdate ni Janey kasi double celebration yan for you. Don’t forget to invite us ha?!
41. Kapag ngayon mo lang gustong matutong lumangoy kahit na siguro 30+ ka na dahil alam mong magaling si Janey dun… and dahil nga like idol like fans, magpapakacompetitive ka dun.
42. Kapag NBA games ang pinapanood mo dati pero biglang naging interesado ka sa UAAP lalo na sa Animo team dahil nandun si shoti.
43. Kapag alam mo kung sino si SHOTI, o kaya JSmooth na tawag ni Janey sa kanya sa BBM.
44. Kapag mas mahilig kang magbasa ng detective, science, thriller, mystery, horror na genre ng libro kesa sa romance… Kung sakali mang yung romance ang hilig mo nun, handamong isakripisyo ang kilig.
45. Kapag gusto mong manood ng movies na INTO THE FUTURE ang story… remember yung tungkol sa World War Z?!
46. Kapag may sarili kang library sa kwarto mo. Hindi na kasya yung mga libro at kelangan mo na ng isa pang kwarto na extension nito. At dahil certified bookworm ka rin, pinag-iipunan mo rin ang pambili mo ng mga libro… kahit na softbound at sale lang.
47. Kapag narinig mo na lahat ng songs sa soundcloud account ni Janey… mas gusto mo pa yung version niya kesa sa original parang yung cover niya ng Pag-ibig ni Yeng Constantino at Jar of Hearts ni Christina Perri.
48. Kapag alam mo ang names ng fan clubs niya: Janestersz, Tropang Jane, BiTouchers/Team Jane PEX/Panda Army, Jane Oineza defenders/buddies, etc. SOLID TEAM JANE
49. Kapag siya ang BIG WINNER mo talaga (aside from the fact na siya naman talaga ang nanalo… siya ang may pinakamarami, pinakamalakas at vocal/supportive na fans among the PBB ALL IN Big 4, and ex-housemates) at super looking forward ka na sa soaring high na career niya dahil yun naman talaga ang deserve niya. And of course, thankful kay God sa lahat ng blessings.

50. Kapag patuloy ka pa ring lumalaban para sa pamilya mo dahil ang lahat ng ginagawa mong pagsisikap ay para sa kanila.

We love you Janey :) We're proud of you. Know that we're always here to support you no matter what. You deserve all these blessings being showered to you by God right now. You may not have won the title but in our hearts, You are our BIG WINNER <3 :)


Comments

LHADY LIBRA YouTube Channel

DLSU Lady Spiker Desiree Cheng plus Kibree Appreciation Thread


Popular posts from this blog

The Sad Case Of Produce 48’s Huh Yunjin 허윤진 aka Kirin-chan

The Secret Circle book and tv series...

Christina Grimmie: A Month Since She Went Home To Be With the Lord

FHM Now Wants Nadine Lustre as its Cover Girl, A Fan Reaction: Thanks but no thanks

IN TIME: A JessTon/ColtJess (Jessica Sanchez-Colton Dixon) Fan Fiction