Mga Tula


Kalayaan

Kamay na humihila
Kamatayan mula sa lupa
Pilit na humuhulagpos
Dugo at lakas, nauubos

Kasamaang tumutulak
Maling daang tinahak
Nahulog sa bangin
Bnayad na tinangay ng hangin

Mga maskarang nakapaligid
Totoong pagkatao'y sumisilip
Anghel nga ba talaga?
O nagpapaka-santo at santa?

Patuloy na dinudurog
Pusong bato'y binubusog
Karahasang dumadaloy
Sa impiyerno na ba tutuloy?

Anong nagawang pagkakasala
Para ito'y aking matamasa?
Buhay ay sinisingil?
Ng isang nagkukubling pangil

Ninakaw lahat
Sa huli'y naging salat
Walang natira kahit dignidad
Pag-asa'y binaliktad.



Void

Sigw ng lubid
Dugong sumisilip
Talim ng kadiliman
Hininga'y hinila sa kawalan

Kaluluwa'y tumakas
Konsensya'y 'di nagpumiglas
Katawan ay nanahimik
Gaya ng nabunot na tinik

Kaloobang nawasak
Ang mga luhang bawat patak
Init ng pag-ibig, 'di naging sapat
Sa kahinaan, 'di naging salat

Nakakulong sa selda ng pag-iisa
Sa paghihirap ay sanay na
Nahulog sa bulkang nagbubuga
Buhay at tuluyan nang hindi naisalba.

Comments

LHADY LIBRA YouTube Channel

DLSU Lady Spiker Desiree Cheng plus Kibree Appreciation Thread


Popular posts from this blog

The Sad Case Of Produce 48’s Huh Yunjin 허윤진 aka Kirin-chan

The Secret Circle book and tv series...

Christina Grimmie: A Month Since She Went Home To Be With the Lord

FHM Now Wants Nadine Lustre as its Cover Girl, A Fan Reaction: Thanks but no thanks

IN TIME: A JessTon/ColtJess (Jessica Sanchez-Colton Dixon) Fan Fiction