My La Salle vs Ateneo UAAP 77 Round 2 Match Analysis 02/18/15




*I’m for GREEN since Manilla Santos era (UAAP Season 67, 69, 70, 71). FOREVER and ALWAYS. Because of the result, heartbroken ako… daig ko pa ang hiniwalayan ng bf. Hahaha Pero Move On dapat… mas malala pa ang nangyari nung Finals last year kaya kakayanin to since elimination round pa lang naman. Nakakainis lang si Papa, makaLE siya… may HAPPY HAPPY pang nalalaman… bwiset.



Overview:            
De La Salle Lady Spikers = 8 Championship Titles (two 3-peat) 
Ateneo Lady Eagles = 1 Championship Title



Team Analysis:



·         Reception and Floor Defense (MIA ang dapat sanang buwis buhay liberos)

o   A good first ball sets up a good play. Overall, ang sama ng reception AS IN. And I still remember nung ang liberos ng LS are the great S. Peñano and M. Gohing. Grabe, buwis buhay talaga sila sa pagkuha ng bola. Linis na linis ang court dahil napakonti lang ang bumabagsak na bola. Now, I’m sure, di napaghandaan talaga ang pagkawala ni Melissa Gohing nung S76…. Until this season 77, ang layo pa nina D. Macandili at C. Cruz sa ganong level na kelangan lalo na vs Ateneo. Haler? Mas marami pang dig si Ara kesa kay C. Cruz. Eh di wow?!

·         Kim F has become Ara Galang-centric and the lack of middle plays

o   In LS’ domination in UAAP Women’s Volleyball in the last decade, one of their greatest assets was their tall and intimidating middle players. Hernandez and Alarca, yan yung naabutan ko na. Ang galing lang talaga nila. Nung sumunod na sina Aby Maraño and Michele Gumabao, parang di sila nawala. Yan ang isang napakaobvious nung game nila kahapon, si Ara na nga itong nagreceive, sa kanya pa rin ang bigay ng bola ni Kim para umatake, mapabackrow man o front row. To think na pwede naman at ok naman ang middles, anong silbi ni Mika and Baron? Dekorasyon na lang, ganun? Anyare sa ginawa nila nung ADU game? Di sila nautilize while on the other hand, naOVER utilize naman si Ara. Kaloka Kim, Ara can only do so much. Di siya wonderwoman… pagod na nga sa floor defense, tapos pati ba naman sa offense din?  

·         Crucial errors especially in the service line (to think #1 sa service ang LS)

o   I will never forget those very crucial service errors at the latter part of the 3rd set and 4th set (ehem Mika, Cyd, Camille). Ilan ba ang ipinamigay nilang points sa Ateneo dahil sa errors? 27 points. Kaloka lang… mag error party na sila pero they really can’t afford to commit those errors during the crucial latter part of the sets. It could have made the difference, BIG TIME.  Yes, naka service aces naman sila, which is expected especially na #1 sa Service ang LS… pero para tapatan yun ng errors din, anong silbi?

·         MIA Net Defense/Blocking (to think #1 and LS sa blocking)

o   LS is #1 in Blocking pero nag DISAPPARATE yata nung game nila. Anyare? Bat MIA? San pumunta? Nagbakasyon ba? Nakailang blocks sila? 9 blocks. Is that enough? Definitely NOT, especially sa usual standards nila sa blocking. At dapat talaga sa game nila vs Ateneo pa mangyari ang ganito…

·         CYD CYD CYD

o   Honestly, ever since, talagang pinagpipiyestahan na tong si Cyd ng mga La Salle suporters mismo. First, in all fairness naman, nappreciate ko yung konting moments na nakapuntos si Cyd (7 points). BUT mas nadisappoint ako sa kanya especially dun sa crucial errors niya at mga attacks na dapat hard pero soft AS IN. Those kinds of hit are never effective against a very good receiving and digging team like Ateneo. To think na, as everybody mentioned, siya ang tinarget talaga nung Finals last year dahil inexploit siya ng ADMU ng bonggang bongga. I’m not just talking about losing her nerves at very CRUCIAL times sa match… I mean, all throughout this season, yung problema niya, until now, di pa rin maayos. Marami na ang nagsuggest na tanggalin siya sa first six because she’s absolutely better off the bench. Ok naman ang floor defense niya… kaso since siya ang kadiagonal ni Ara as open hitter, napakalaki ng expectation sa kanya lalo na everytime na nasa likod si Ara at siya naman ang nasa front row. Anong silbi niya kung di siya makapatay ng bola? Si Ara pa na nasa back row ang nagpapagod para pumatay.

·         Killer Instinct and mental toughness (MIA pag against ADMU)

o   Need I elaborate this? Paano ba naman, to think na di na sila ang defending champions, wala naman sa kanila dapat ang pressure pero kung makapaglaro sila, akala mo nandun pa rin sila sa point last year nung naDERAIL yung 4peat. Ang bigat ng aura nila. Napaka-intimidating sobra noon ang LS… ni hindi makadiskarte ang ibang teams kahit Ateneo. 3 straight sets na pure dominance talaga. Pero, as in, wala na ngaun lalo kapag Ateneo ang kalaban.

·         Point contribution from others (wag namang magcuracha si Ara)

o   LS has been known as a TEAM team. Wala talagang STAR player na mag-isang kumakayod at nagbubuhat sa team. Kahit naman nung last year’s elimination round na sila ang nakasweep (14-0), di lang naman si Ara lang ang nagtrabaho ng husto para pumuntos. BUT, kahapon, maganda man o hindi ang receive, sige pa rin si Kim sa pagbigay ng bola kay Ara, and sa open spikers. Buti nga ok naman si Carol… pero syempre, sana lahat talaga nabigyan ng chance lalo na yung middle players. At nasaan ang mga plays? Wag namang magCURACHA si Ara. Biruin mong 21.5% sa total points ng LS kanina galing sa kanya. Hindi ganyan ang LS na may 8 Championship Titles.

·         Coach Ramil, et al

o   With 8 championship under his name, we have absolute faith in him. BUT di na ako sure kung minsan… Syempre, as the coach, yung adjustments and final decisions eh nasa kanya. Nung first set, yung lumamang talaga ang Ateneo, paano siya nag adjust? Yung mga substitution na necessary and unnecessary… yung evident PROBLEM kay Cyd kaya dapat palitan na sana ng ibang player pero NGANGA… pati yung dapat si Dawn na ang nandun sa court at hindi si Cienne… nung inilabas si Kim F at si Des ang naging setter, which is supposedly na 6-2 formation, sobrang patapos na yung 4th set nung ginawa niya yan. Yung times na dapat inilabas na niya yung hidden cards niya, kung meron man, to make the difference sa match kanina pero wala masyadong naRISK. Ginawa ba talaga ng coaching staff nila ang kanilang assignment at nascout ng maigi ang ADMU prior to this game? So, ang isang Thai coach pala talaga ang katapat ni Coach Ramil. It seems na di pa niya talaga ma out-wit si Coach Tai. May naging good strategy at all ba si Coach Ramil coming into the game?



Individual Analysis:

o   Ara – naawa na ako sa kanya. Halos siya na ang trumabaho ng lahat. Imagine yung pagod niya. Yung ginawa niya, pang 6 players. Attack, block, dig, receive… kulang na lang eh siya na ang mag set. Paano na lang kung di nila nagawan ng solusyon yung vertigo niya? Wala na sana ni isa ang nag step up.

o   Carol – thank you dahil may katulong si Ara sa offense at si Mika sa blocking.

o   Mika – di siya ganun talaga nakablock at bihira lang binigay ni Kim ang bola sa kanya. Crucial din talaga yung service error niya nung 3rd set.

o   Kim F – anyare? Open pa MORE. Nasaan ang variation sa sets? Si Ara lang ba ang kasama niyang player? Bakit pinagdamot ng sets sina Mika, Baron, et al?

o   CYD – nasabi ko na lahat sa taas. Di ko na kelangang dagdagan pa sa dami. Masakit din kasi yung facial na natanggap niya from Baldo.

o   Cienne – asan ang buwis buhay? Napako ba ang paa sa court kaya di makagalaw para habulin yung mga bola? Yung trabaho dapat ng libero, eh wala.

o   Des – asan na si Ms. Everything 3.0 na nag POG against ADU? Don’t tell me magiging consistent na naman siya tulad ng dati? Ang laki ng tiwala ko sa kanya… kaso yung dapat lumabas this game eh di nangyari. I also noticed na di yata naging effective ang maganda niyang serves vs LE. Nawala na naman siya… although ok pa rin as usual floor defense niya and approve din naman ako sa biglang pagiging setter niya nung latter part ng 4th set, just to throw LE off.

o   Baron – di ko naramdaman yung usual blocking presence niya, though nakapuntos naman siya kahit papaano.

o   Kim D. – did not make any difference nung ipinasok. Anyare na sa kanya? Ilang games na siyang ganyan…

o   Eli – at least nakapatay kaso kulang… medyo wala yung blocking niya.

o   Camille – that crucial service error… tsk tsk tsk

o   Dawn – sana talaga nagamit siya nung di na makapagdeliver ng maayos sa court si Cienne. Kasi talagang inaabot na rin nya talaga lahat ng bola.

o   Justine and Aduke – ni hindi man lang sinubukang ipasok.



*The question is, di ba mababawi ng LS ang Championship from LE this year? As a fan since UAAP Season 67 of LS, and based from sa naging result so far, kaya naman eh. The problem is, ang kalaban talaga nila eh ang mga sarili nila. I mean, di naman sila naging Legion of Doom before kung di nila kaya. They can DO it. But, are they going to make the necessary adjustments? Are they finally going to figure out that formula to beat LE? Are they ever going to learn from their lost? Will they be able to incorporate or integrate those lessons for their next match against LE? Winning this battle is not about the number of players who can step up and contribute or whose actually the “better” team, it is first and foremost a having a GOOD STRATEGY. Yan ang natutunan ko sa pagiging Athena, the Goddess of Wisdom, War, Strategy, etc, and Greek Mythology enthusiast ko. Ngayon, ewan ko na lang talaga kung ganyan pa rin ang ilalaro nila next time na makatapat nila ang LE.


Comments

LHADY LIBRA YouTube Channel

DLSU Lady Spiker Desiree Cheng plus Kibree Appreciation Thread


Popular posts from this blog

The Sad Case Of Produce 48’s Huh Yunjin 허윤진 aka Kirin-chan

The Secret Circle book and tv series...

Christina Grimmie: A Month Since She Went Home To Be With the Lord

FHM Now Wants Nadine Lustre as its Cover Girl, A Fan Reaction: Thanks but no thanks

IN TIME: A JessTon/ColtJess (Jessica Sanchez-Colton Dixon) Fan Fiction